Title SpotlightReality

Nabigo sa Ral nagbabalik sa Miss Q&A

Reality

Sagot na ni JM Dela Cerna ang pangmalakasang harana. Parang hugis 'otso,' to infinity and beyond ang husay ni JM sa entablado. Pati 'What's up, Madlang People' ibinirit nang todo. Great ang performance ng tatlong beki na nagtalakan sa Miss Q and A, na sina Ral Imperial ng Batangas, Carla Flores Argonza ng Pangasinan, at Martie Anne Panlilio ng Tarlac. Hindi 'puchu-puchu' ang tatlong ito, na pare-parehong may napatunayan na sa kanilang pag-aaral. Si Ral ay may dalawang Latin honors, si Carla naman ay may double degree, at si Martie ay scholar. Na-earn nina Ral at Carla ang respeto ng mga hurado sa talak nilang galing sa puso at pinag-isipan during the Wit Lang round. Nabunot ni Ral ang tanong na, "Sa iyong palagay, saan mas hirap si Rapunzel, mag-blower o mag-shampoo?" Kalmado rin ang pagsagot ni Carla sa tanong na, "Kung huling hininga mo na, anong mas gusto mo, pa-inhale o pa-exhale?" Markado ang sagot ni Carla kina hurados Ralph de Leon, Nicole Cordoves, at Esnyr na nagbihis bilang Ms. Castro, isa sa mga karakter sa kanyang online series. Sa Laro Laro Pick, lahat ay swerte, walang malas. Kaya positive vibes lang ang dala ng mga taga-Navotas. Ang laro, nauwi sa concert nang maka-face off ni player Diane si Baby Doll Johaira sa sayawan at kantahan. Naubos ang players sa It's Giving round kaya bumunot ng dalawang sasabak sa You Gotta Lyric, at ito ay sina Roland at Dindin. Lahat ay lucky pero si Dindin ang may pinakabonggang swerte. Si Dindin, isang mananahi na solo parent, maingat na pumili. Kung ang kasamang anak ay forda experience ang gusto, si Nanay Dindin, mas gustong maging sigurado at tinanggap ang P40,000 Li-Pot offer. #ShowtimeGanernYon #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment

वर्ष

2026

IMDb

0

अभी देखें

Hero Poster