Title SpotlightReality

It's Showtime

Reality

Malamig at nakakakilig na boses ang ipinarinig ng 4PLAY, na binubuo nina Ian Manibale, Miah Tiangco, Eich Abando, at Mark Justo. Pati pagbati sa Madlang People ay may harmony! Sa Miss Q and A Resbakulawan Day 3, hindi nagpatumpik-tumpik pa sina Misis Jawo, Raux Araneta, at Cyrich Abril Patalinhug Castillo sa unang round na Wit Lang, kung saan agad silang sumabak sa mga pageant questions. Sina Misis Jawo at Cyrich ang pumasok sa next round, Beklamation, kung saan hinarap nila ang iisang tanong na, "Kung ang kaibigan mong may matagal ng utang sa'yo na hindi binayaran ay muling lumapit para mangutang dahil sa isang emergency, pauutangin mo ba?" Si Misis Jawo ang kinoronahan sa Day 3 ng Miss Q and A Resbakulawan. Sa buhay, don't be shy dahil when you ask, the universe listens at ang swerte sa'yo ibibigay. Mabenta ang good vibes sa Laro Laro Pick game arena. Mga sales men and ladies ang bumida! Hindi lang players ang may magandang kuwento, dahil si Ryan Bang ay may good news din na dala. Ipinagmalaki ng oppa ang Permanent Residence (PR) niya sa Pinas! Kaya naman extra inspired si Ryan na sumabak sa Act-Song portion ng You Gotta Lyric round. Maya-maya pa, si player Aik ang umabante sa jackpot round kung saan matapang iyang sinugalan ang P100, 000 POT question, tungkol sa kung anong species ng hayop ang na-rescue na si Sawaga-Dalwagan. Full of suspense ang anunsyo ni Vice Ganda kung tama ba ang sagot ni Aik na "Philippine Eagle." Hanggang sa in-announce na tama nga at maiuuwi nito ang papremyo! #ShowtimeGilingPa #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment

वर्ष

2026

IMDb

0

अभी देखें

Hero Poster